Pagbabakuna sa mga bata, aarangkada na rin sa susunod na buwan

Aprubado na ni Pangulong Rodrigo Durterte ang pagbabakuna sa mga kabataan sa buwan ng Oktubre.

Ayon kay Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque, ito ay alinsunod na rin sa rekomendasyon ni National Task Force Chief Implementer at Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez Jr.

Sinabi ni Roque na sa ngayon ay sapat ang bilang ng COVID-19 vaccines upang maisama na sa mga mababakunahan ang mga bata edad 12-17 anyos.


Kasunod nito, pinapayuhan ng kalihim ang mga magulang ng mga bata na ipalista na ang kanilang mga anak sa masterlist.

Sa oras aniya na magkaroon na ng masterlist ang pamahalaan, agad din iaanusyo kung sino ang mga mauuna sa pagbabakuna ng mga kabataan.

Kanina, inanunsyo rin ni Roque na inaprubahan na ni Pangulong Duterte ang pagbabakuna sa general population o general public simula sa susunod na buwan.

Facebook Comments