Manila, Philippines – Sinimulan na ng binuong task force ng DOH-CALABARZON ang kanilang mass immunization activity sa rehiyon.
Katuwang ang lokal na pamahalaan, unang tinarget ng DOH ang mga fastfood chain sa Biñan, Laguna kung saan sila nagsagawa ng libreng pagbabakuna sa mga bata.
Bukod sa bakuna laban sa tigdas, nagbigay na rin sila ng mga oral polio vaccine at vitamin a.
Sa datos ng DOH mula January 1 hanggang February 9, 2019, sumampa na sa 1, 086 ang kaso ng tigdas sa CALABARZON kung saan 25 na ang nasawi.
Sa nasabing bilang, pinakamaraming kaso ng tigdas at naitala sa Rizal, 465 sunod ang Laguna, 167; Batangas, 142; Cavite, 126 at 72 sa probinsya ng Quezon.
Facebook Comments