Pagbabakuna sa mga bata kontra rubella at tigdas sa Quezon City, aarangkada ngayong araw

Pasisimulan na ngayong araw ng Quezon City Health office ang pagbabakuna sa mga bata kontra rubella at tigdas.

Hinikayat ni QC Mayor Joy Belmonte ang mga magulang na dalhin sa mga health centers o itinalagang vaccination posts ang kanilang anak na may edad 9 na buwan hanggang limang taong gulang para mabakunahan.

Ayon kay Belmonte, kailangang isaalang-alang ang kaligtasan at kalusugan ng mga bata dahil isang seryosong sakit ang tigdas na nakakamatay.


Ang kahalagahan aniya ng pagkaroon ng bakuna ay magbibigay proteksyon sa mga bata.

Tatagal ang Measles-Rubella Supplemental Immunization Activity hanggang sa katapusan ng buwan ng Pebrero ngayong taon.

Facebook Comments