Pagbabakuna sa mga bata sa Oktubre, isasapinal pa ng IATF

97

Nilinaw ng Palasyo ng Malakanyang na rekomendasyon pa lamang ang binanggit ni Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez Jr., kaugnay sa planong pagbabakuna sa mga kabataan sa kalagitnaan ng Oktubre.

Paglilinaw ito ni Presidential Spokesperson Sec. Harry Roque nang tanungin kung aprubado na ba ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagbabakuna sa mga kabataan.


Ayon sa kalihim, tatalakayin pa ang rekomendasyong ito sa pulong ng Inter-Agency Task Force (IATF).

Kaugnay nito, naniniwala naman si Roque na sakaling maaprubahan ang plano, ay kakayanin ng pamahalaan na maisakatuparan ito.

Aniya, patuloy ang dating ng COVID-19 vaccines sa bansa, lalo’t ang istratehiyang pinairal ng gobyerno ay ang pagbili ng bakuna mula sa iba’t ibang vaccine manufacturers.

Facebook Comments