Nakapagtala ang Department of Health Ilocos Region ng 71.47 percent na fully immunized child o FIC noong 2024.
Base sa 2024 Regional Immunization Report ng tanggapan, mula sa target na 65,801, nasa 47,031 ang Kabataan na naturukan sa Pangasinan habang 50.22 percent ng 3,646 target o katumbas ng 1,831 Dagupenos ang nabakunahan.
Ikatlo ang lalawigan sa buong rehiyon sa may pinakamataas na nabakunahan kung saan nanguna ang Ilocos Sur na may 102.15 percent accomplishment sa 10,885 fully-immunized children; Ilocos Norte na may 90.93 percent o 8,720 FIC; at La Union na may 67.53 percent o 9,851 ang nakatanggap ng kumpletong bakuna.
Tiniyak ng DOH Region 1 ang pinaigting na vaccination drive sa iba’t-ibang panig ng lalawigan kasunod ng 95 percent na fully immunized children sa bawat bayan upang makaiwas sa anumang uri ng sakit. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments









