Posibleng masimulan na rin sa Pilipinas ang pagbabakuna sa mga batang edad limang taong gulang pababa.
Ito ay makaraang ihayag ng US Food and Drug Administration na ligtas at epektibo ang COVID-19 vaccine ng Pfizer para sa nasabing age group.
Ayon kay Vaccine Expert Panel (VEP) Chair Dr. Nina Gloriani, oras na masimulan ang pagbabakuna sa mga batang edad 5-taong gulang pababa ay makukumpleto na ang immunization coverage ng bansa.
Pero aniya, kinakailangan pa rin nilang humingi ng advice ng pediatricians sa kung sino ang kwalipikadong makatanggap ng bakuna.
Posibleng abutin pa rin ng anim na buwan bago masimulan ang pagbabakuna sa mga 5 taong gulang pababa dahil magsasagawa pa ng evaluation hinggil dito ang Philippine FDA at mga local experts habang matagal din ang procurement process.
As of June 9, nasa 2.9 milyong mga bata na edad 5 hanggang 11 taong gulang na ang fully vaccinated habang halos 9.5 milyong kabataang 11 to 17 years old na rin ang nakakumpleto na sa bakuna kontra COVID-19.