Pagbabakuna sa mga batang dalawang taong gulang pataas sa Cuba, sisimulan na!

Simula bukas, aarangkada na ang pagbabakuna sa mga batang dalawang taong gulang pataas sa Cuba.

Ayon kay Cuban Ministry of Public Health Dr. Ileana Morales Suarez, ibabakuna sa naturang age group ang locally developed na Soberana-2 vaccine.

Layon aniya nito ng maabot ang 90% na target population pagdating ng Disyembre.


Batay sa isinagawang trial ng mga eksperto sa Cuba, lumabas na ligtas sa mga bata ang Soberana-2 vaccine.

Facebook Comments