Target ng Department of Health (DOH) na masimulan sa Enero 2022 ang pagtuturok ng COVID-19 vaccine sa mga batang edad 5 hanggang 11.
Nabatid na noong nakaraang linggo, nagsumite na ng aplikasyon ang Pfizer sa Pilipinas para magamit ang bakuna nito sa nasabing age group.
Ayon kay Food and Drug Administration (FDA) Director General Eric Domingo, may 21 araw ang Vaccine Expert Panel (VEP) para suriin ang mga datos na isinumite ng Pfizer.
Kailangan kasi aniyang tiyakin ng mga eksperto na ligtas at epektibo ang bakuna para sa mga bata.
Una nang inaprubahan ang Pfizer vaccine sa mga batang 5 hanggang 11 taong gulang sa Estados Unidos, Canada, Europe at Australia.
Facebook Comments