Pinag-uusapan na ng all-expert group ng pamahalaan ang rekomendasyon na bakunahan na rin laban sa COVID-19 ang mga batang may comorbidity.
Ayon kay Health Usec. Ma Rosario Vergeire, nais ng pamahalaan na matiyak ang bisa ng pagbabakuna sa mga bata.
Nilinaw naman ni Vergeire na mismong si Health Sec. Francisco Duque ang nagsabi na may bakuna nang nabigyan ng Emergency Use Authorization (EUA) para magamit sa mga may edad 12 pataas.
Gayunman, sa ngayon aniya ay kulang pa ang supply ng bakuna sa bansa.
Facebook Comments