Pagbabakuna sa mga benepisyaryo ng 4Ps, dapat maging voluntary at in-consent – DSWD

Iginiit ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang pagiging voluntary ng pagbabakuna ng mga mahihirap na benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps).

Kasunod ito ng panukalang “no vaccine, no subsidy” ng Department of the Interior and Local Government (DILG) para sa mga benepisyaryo nito.

Ayon kay DSWD spokesperson Glenda Relova, naniniwala ang ahensiya na mananatiling boluntaryo ang pagbabakuna at mangangailangan pa ng consent bago ito gawin.


Sa halip ng pigilan ang cash aid, sinabi ni Relova na mas makakabuti kung papaigtingin pa ang information dissemination sa mga mahihirap lalo na sa liblib na lugar.

Sa ngayon, ipinaliwanag ni Relova na sa kabuuang 4.1 benepisyaryo ng 4Ps, 3.5 million pa lamang dito ang nabakuhanan.

Facebook Comments