Pagbabakuna sa mga dependents ng mga pulis na may edad 12 hanggang 17 anyos sisimulan na rin

Magsisimula na rin ang Philippine National Police (PNP) ng pagbabakuna sa kanilang mga dependents kabilang ang mga batang may edad 12 hanggang 17-taong gulang ngayong halos 100 porsyento na ang vaccinated ng COVID-19 vaccine sa hanay ng PNP.

Ayon kay PNP The Deputy Chief for Administration (TDCA) at ASCOTF Commander PLt. Gen. Joselito Vera Cruz, inatasan nya ang PNP Health Service na simulan na ang pagbabakuna sa kanilang mga dependents dito sa NCR Plus.

Ang direktiba ni Vera Cruz, ay epektibo kahapon November 1, 2021.


Samantala sa ngayon may 2,884 pa ang unvaccinated sa PNP 859 dito ay may valid reasons habang tinatapos na lamang ng PNP ang pagbabakuna sa mga naghihintay ng kanilang second dose.

Batay sa datos ng PNP-ASCOTF nasa 200,812 police personnel mula sa kabuuang 224,021 pwersa ng PNP ang bakunado.

Malaking hamon naman ang pagbiyahe ng bakuna mula sa kanilang inventory patungo sa iba’t ibang rehiyon dahil nangangailangan ito ng authorized chain logistics provider para ma-preserve ang quality ng mga vaccines.

Facebook Comments