Pagbabakuna sa mga edad 11 pababa, posibleng masimulan bago matapos ang taon

Posibleng maging available na sa bansa bago matapos ang taon ang COVID-19 vaccine para sa mga batang may edad 11 pababa.

Ayon kay Food and Drug Administration (FDA) Director General Dr. Eric Domingo, inaasahan nila na sa Disyembre ay magsusumite ang Pfizer-BioNTech ng amendment sa kanilang Emergency Use Authorization (EUA) para maiturok sa mga edad lima hanggang 11.

Sinabi rin ni Domingo na hinihintay rin nila ang Sinovac na magsumite ng kanilang datos ng COVID-19 vaccine para maiturok sa edad 17 pababa.


Sa ngayon, tanging Pfizer-BioNTech at Moderna pa lamang ang mga brand ng bakuna na maaaring maiturok sa mga edad 12 hanggang 17.

Facebook Comments