Pagbabakuna sa mga edad 12 pataas, pinaghahandaaan na ng ilang LGUs

Naghahanda na ang ilang Local Government Units (LGUs) para sa pagbabakuna ng mga kabataang edad 12 pataas.

Sa Pateros, binuksan na ang online registration para sa mga residenteng menor de edad.

Sa pamamagitan ito ng QR code na eksklusibong ginawa para sa mga edad 12 hanggang 17.


Maliban sa Pateros, inililista naman sa Marikina ang contact details at pangalan ng mga magulang na nagtatanong kaugnay ng pagbabakuna ng mga menor de edad, pati ang pangalan ng kanilang mga anak.

Nanawagan din si Marikina Mayor Marcelino Teodoro na maglabas na ng guidelines kaugnay dito.

Batay sa datos, 70 porsiyento na ng kabuuang populasyon ng mga lokal na pamahalaan ang mga may edad 18 pataas.

Facebook Comments