Aprubado na ni Pangasinan Governor Ramon Guico III ang pagbabakuna sa mga empleyado ng kapitolyo tuwing araw ng Biyernes.
Ito ay ayon kay Pangasinan Provincial Health Officer Dra. Anna De Guzman.
Layunin nitong mapataas ang booster vaccination rate sa lalawigan laban sa Coronavirus Disease.
Sa naturang hakbang, maisusulong ang pagkakaroon ng maayos at ligtas na lugar o workplace para sa mga empleyado sa kapitolyo gayundin para sa mga taong mayroong iba’t ibang transaksyon sa mga tanggapan ng Provincial Government.
Ang vaccination team ng probinsya ay nagtutungo sa iba’t-ibang tanggapan sa kapitolyo para magpabakuna lalo na ang pagbibigay ng booster shot sa mga empleyado. | ifmnews
Facebook Comments