Pagbabakuna sa mga guro at kabataan, dapat madaliin sa gitna ng banta ng Omicron

Iginiit ni Committee on Basic Education Chairman Senador Sherwin “Win” Gatchalian ang agarang pagbabakuna sa mga menor de edad at mga guro.

Mungkahi ito ni Gatchalian kasunod ng pagkakatuklas ng bagong COVID-19 variant na Omicron.

Binigyang diin ni Gatchalian na ang pagpapabakuna sa mga guro at sa mga mag-aaral na nasa tamang edad ay magbibigay ng karagdagang proteksyon at kumpiyansa.


Binanggit ito ni Gatchalian sa harap na rin ng balak ng Department of Health (DOH) at Department of Education (DepEd) na dagdagan ang bilang ng mga paaralang lalahok sa limited face-to-face classes.

Isinusulong din ni Gatchalian ang regular na COVID-19 tests para sa mga guro.

Matatandaang may dalawang paaralan sa Zambales na ipinagpaliban ang kanilang paglulunsad ng face-to-face classes matapos magpositibo sa virus ang ilang mga guro.

Facebook Comments