Pinamamadali na ng Department of Health (DOH) ang pagbabakuna sa mga guro sa mga pribado at pampublikong paaralan.
Ayon kay Health Usec. Maria Rosario Vergeire, layon nito na matiyak ang kaligtasan ng mga mag-aaral sa paunang pagbubukas ng face-to-face classes.
Sinabi naman ni Dr. Anna Ong-Lim ng vaccine cluster ng gobyerno na game-changer ang bakuna sa laban kontra COVID-19.
Umapela rin si Ong-Lim sa mga guro at sa school personnel na ikonsidera ang kaligtasan ng mga bata sa pamamagitan ng pagbabakuna.
Sa ngayon, hindi pa matukoy ng Department of Education (DepEd) kung gaano karami ang mga guro na magtuturo sa 100 pampublikong paaralan at 20 pribadong paaralan na kasama sa pilot testing.
Facebook Comments