Pagbabakuna sa mga guro, posibleng maumpisahan sa Hunyo

Positibo si Education Secretary Leonor Briones na mauumpisahan na ang pagbabakuna sa mga guro at iba pang kawani ng Department of Education pagsapit ng June 2021.

Sa presscon sa Malakanyang, sinabi ni Briones na nagagalak sila dahil napagbigyan ang kanilang hirit na mapabilang sa A4 priority category ng National Deployment and Vaccination Plan ang mga basic education frontliners.

Sa tala ng kagawaran, nasa 791,000 teachers and non-teaching staff ang mababakunahan sa kanilang hanay mula yan sa kabuuang 1.2M.


Paliwanag ng kalihim, may ibang mga guro kasi tulad ng senior citizens at may comorbidities ang nauna nang nagpabakuna sa kani-kanilang mga local government unit (LGU).

Ani Briones, hindi na kailangang mag-register pa ang mga guro at ibang non-teaching personnel sa vaccination program dahil mayroon na silang listahan nito.

Facebook Comments