Pagbabakuna sa mga health center sa lungsod ng Maynila, isasagawa ngayong araw

Ikakasa na ng lokal na pamahalaan ng Maynila ang malawakang pagbabakuna kontra COVID-19 sa mga health center sa lungsod.

Sa abiso ng Manila LGU, isasagawa ang first dose vaccination para sa mga kabilang sa A1 hanggang A5 priority groups sa 45 health centers ng lungsod mula District 1 hanggang District 6.

Nasa tig-1,500 na doses ang inilaan sa mga health center at bukod dito, may first dose vaccination din na isasagawa sa apat na mall ngunit nasa tig-1,000 doses lamang ang inilaan dito.


Inihayag ng lokal na pamahalaan ng Maynila na lahat ng mga vaccination sites kung saan ikakasa ang first dose ay pwede ang mga indibidwal na nais mag-walk in na magsisimula naman ng alas-7:09 ng umaga at magtatapos ng alas-7:00 ng gabi.

Matatandaan na unang sinabi ni Mayor Isko Moreno na kakaunti na lang ang Manileño na hindi pa nababakunahan kaya’t dahil dito ay inatasan niya ang mga hospital director ng lokal na pamahalaan na bakunahan na lahat ng pupunta sa kanila kahit hindi taga-Maynila.

Ipinag-utos din niya na bigyan ng gamot tulad ng tocilizumab ang mga pasyente na nangangailangan at tanggapin ang mga ito sa district hospital kahit hindi residente sa lungsod.

Facebook Comments