Pagbabakuna sa mga Healthcare Workers sa Nueva Vizcaya, Nagsimula na

Cauayan City, Isabela- Umarangkada na rin ang vaccination roll out sa mga medical staff ng provincial hospital ng Nueva Vizcaya.

Personal itong sinaksihan ni Governor Carlos Padilla na kasalukuyang isinasagawa sa compound ng Nueva Vizcaya Provincial hospital.

Unang binakunahan ng Sinovac ang Chief ng NVPH na si Dra. Arlene Jara at sinundan ng ilan pang medical staff.


Ang pag-arangkada ng pagbabakuna sa mga health workers ng nasabing ospital ay sa pamumuno ng Pamahalaang panlalawigan ng Nueva Vizcaya.

Kabilang din sa vaccination roll out sa probinsya ang Dupax District Hospital, Lt. Tidang Memorial Hospital at Diadi Emergency Hospital.

Aalamin naman ngayong Linggo ang schedule ng Kasibu Municipal Hospital ayon na rin sa ibinahaging impormasyon ni provincial health officer na si Dr. Edwin Galapon.

Facebook Comments