Hindi pa inirerekomenda ng Department of Science and Technology (DOST) ang pagbabakuna sa mga kabataan.
Ito ay sa kabila ng tumataas na bilang ng mga kabataang tinatamaan ng COVID-19 sa bansa.
Sa interview ng RMN Manila, ipinaliwanag ni DOST-Philippine Council for Health Research and Development (PCHRD) Executive Director Dr. Jaime Montoya na bagama’t maaaring mahawaan ng virus ang mga bata ay mild cases lamang ito.
Base aniya ito sa datos na nakukuha ng DOST maging sa ibang mga bansa.
Sa ngayon, nananatiling prayoridad ng pamahalaan ang pagbabakuna sa mga nasa high risk group gaya ng mga healthcare workers, senior citizens, at mga may comorbidities lalo’t limitado pa rin ang suplay ng COVID-19 vaccines.
Facebook Comments