Pagbabakuna sa mga kabataan sa Australia, sinimulan na rin

Binuksan na ng Australian government ang pagbabakuna para sa mga kabataan.

Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni Philippine Ambassador to Australia Maria Helen Dela Vega, binabakunahan na ng Pfizer ang mga kabataan edad 16 pataas o haggang 59 taong gulang mula nitong Agosto 30.

Ang AstraZeneca naman ang ibinibigay sa mga edad 60 pataas.


Ayon kay Dela Vega, patakaran ng gobyerno na libre ang bakuna para sa lahat ng naninirahan sa Australia kahit ano pa ang nationality nito.

Facebook Comments