Pagbabakuna sa mga Kabataan sa Isabela, Puspusan

Cauayan City, Isabela- Mabilisan na ang ginagawang pagbabakuna sa mga kabataang edad 12 hanggang 17 sa lalawigan ng Isabela.

Ito ang inihayag ni Governor Rodito Albano III sa network briefing ni PCOO Secretary Martin Andanar.

Ayon sa opisyal, patuloy ang pagdating ng Pfizer vaccine sa probinsya dahilan para mas bumilis ang vaccination sa mga kabataan.


Aniya, umaabot na sa 3,000 ang nabakunahan na mga kabataan.

Tugon umano ito sa paghahanda sa pagbabalik ng face-to-face classes sa mga paaralan sa ilalim ng new normal.

Nagpapatuloy naman ang pagbabakuna sa iba pang mga priority group at iginiit pa ni Albano na nawala na ang pangamba ng publiko pagdating sa bakuna.

Facebook Comments