Pagbabakuna sa mga kabataang edad 12-17, tuloy na sa Biyernes; COVID-19 vaccination sa general adult population, pwede na rin

Tuloy na tuloy na ang pagbabakuna sa mga kabataang edad 12 hanggang 17-anyos simula sa Biyernes, October 15.

Sa media briefing ng Department of Health (DOH) kanina, sinabi ni Undersecretary Maria Rosario Vergeire na handa na ang anim na ospital na gagamitin para sa pilot run ng pagbabakuna.

Una nang sinabi ng DOH na uunahing bakunahan ang mga edad 15 hanggang 17 na mayroong comorbidity saka isusunod ang mga 12 to 14 years old na mayroon ding comorbidity.


Pagkatapos ng dalawang linggong pilot run ay palalawakin ang pagbabakuna sa mga kabataan sa anim na lungsod sa Metro Manila kabilang ang Makati, Mandaluyong, Maynila, Pasig, Quezon City at Taguig.

Samantala, sinabi rin ng DOH na pwede nang simulan ang pagbabakuna sa general adult population.

Pero paalala ng ahensya sa mga lokal na pamahalaan, maglaan ng express lanes para sa mga senior citizens at PWDs.

Facebook Comments