Pormal nang iminungkahi ni Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez Jr. ang pagbabakuna sa edad 12 hanggang 17 na magaganap sa kalagitnaan ng Oktubre.
Ayon kay Galvez, sapat na ang alokasyon ng bakuna sa bansa para sa pagbabakuna sa kabataan.
Nasa 23.75 milyong doses ng COVID-19 vaccines ang naitabi ng gobyerno para sa mga kabataan, habang karagdagang 20 milyong doses pa ang darating sa unang linggo ng Oktubre.
Kasama naman sa rekomendasyon na unahin sa pagbabakuna ang mga kabataang may commorbidities at ang mga anak ng healthcare workers.
Nitong September 19 nang aprubahan ng Vaccine Expert Panel (VEP) ang pagbabakuna sa mga kabataan.
Inaasahang masisimulan naman sa susunod na buwan ang pagbabakuna sa general public.
Facebook Comments