Pagbabakuna sa mga kabataang edad 17 pababa, hindi pa inirerekomenda ng DOH

Hindi pa inirerekomenda ng Department of Health (DOH) ang pagbabakuna sa mga kabataang edad 17 pababa.

Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, ikinokonsidera pa ito ng pamahalaan dahil sa kakulangan ng suplay ng mga bakuna.

Mananatili namang prayoridad sa pagbabakuna ang mga edad 18 pataas alinsunod sa prioritization framework ng gobyerno.


Sa mga bakuna sa Pilipinas, tanging ang Pfizer pa lamang ang nabigyan ng Emergency Use Authorization (EUA) para magamit sa mga edad 12 hanggang 15.

Facebook Comments