Pagbabakuna sa mga kabataang may comorbidity sa labas ng Metro Manila, nagsimula na rin ngayong araw

Sinimulan na ang Phase 3 ng pediatric COVID-19 vaccination o ang pagbabakuna sa mga kabataang may comorbidity sa labas ng Metro Manila.

Nasa 100 vaccination sites din ang pinayagan ng National Vaccination Operations Center na magbukas sa iba’t ibang rehiyon sa bansa maliban sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).

Nabatid na sa mga ospital din isinagawa ang pagbabakuna para agad na makakaresponde sa oras na may makaranas ng adverse events.


Samantala, sa Miyekules , Nobyembre 3 na aarangkada ang pagpapabakuna sa general pediatric population o mga kabataang walang comorbidity sa Metro Manila.

Sa kabuuan sinabi ni President of Pediatric Infectious Disease Dr. Mary Ann Bunyi na naging maayos at tahimik ang rollout ng vaccination sa mga bata.

Facebook Comments