Nais na rin ng business sector na mabakunahan kontra COVID-19 ang mga mangggagawa gamit ang isang milyong doses ng Covaxin mula sa India.
Sa isang virtual meeting na pinangunahan ni Presidential Adviser for Entrepreneurship at Go-Negosyo Founder Joey Concepcion, sinabi nito na sa sandaling maging available na ang aabot sa isang milyong doses ng Covaxin, gagamitin ito sa mga empleyado sa private sector.
Ayon sa kalihim, maibibigay ng Covaxin ang 81% efficacy, o bisa nito kung saan ito mismo ang itinurok kay Indian Prime Minister Narendra Modi.
Nabanggit din ng kalihim na nakipag-usap na sila sa Ambica International Corporation at Ip Biotech Incorporated na siyang distributor ng Covaxin at kanilang inaasahang matatanggap ang isang milyong doses nito simula sa Abril, Mayo at Hunyo.
Ang pagpasok din aniya ng Covaxin sa bansa ay magpapalakas sa national vaccination program dahil makakadagdag ito sa iba pang mga bakuna kontra COVID-19.