PAGBABAKUNA SA MGA MAY EDAD 12-17 SA SAN NICOLAS, SISIMULAN NA NGAYONG ARAW

SAN NICOLAS , PANGASINAN – Sisimulan ngayong araw ng Biyernes, October 29, 2021 ang pagbabakuna sa mga may edad 12-17 na may comorbidity sa bayan ng San Nicolas, ayon sa lokal na pamahalaan.

Sinabi ng lokal na pamahalaan, napili ang bayan ng San Nicolas na isa sa launching sites ng pediatric vaccination.

Ibig sabihin lang aniya na sa buong Region 1, kabilang ito sa kauna-unahang magsasagawa ng vaccination roll out sa nasabing edad. Nakatakdang iturok sa mga kabataan ang Pfizer Vaccine.


Kailangang lamang dalhin ang medical certificate ng bata, original PSA birth certificate at valid ID ng magulang.

Sa mga edad 12-17 naman na walang sakit, inabisuhan ang mga ito na maghintay sapagkat hindi kabilang ang mga ito sa Pediatric A3 category.###

Facebook Comments