Sinimulan na rin ng Dr. Jose Fabella Memorial Hospital sa bagong building nito sa Tayuman Street, Sta. Cruz, Maynila ang pagbabakuna sa kanilang mga medical personnel.
Ayon kay Dr. Esmeraldo Ilem, ang Medical Ce nter Chief ng nasabing hospital, nasa 300 na health care workers ang nakatakdang mabigyan ng bakunang Sinovac na kanilang nakuha mula sa Department of Health (DOH).
Unang sumalang sa pagbabakuna ang head ng vaccination team ng Fabella Hospital na si Dra. Jolly Yago kung saan aniya, ang second dose ng bakuna o ang susunod na batch ay kanila pang ire-request sa DOH.
Ilan naman sa mga medical personnel ng Fabella Hospital ay inabangan naman ang bakuanng AstraZeneca dahil naniniwala sila sa efficacy rate nito.
Nabatid na una nang nagsagawa ng survey via online ang Fabella Hospital sa mga medical personnel nito para malaman kung ano ang gusto nilang bakuna.
Kasabay naman ng vaccination program sa Fabella Hospital, umarangkada na rin ang pagbabakuna sa mga health care personnel sa Tondo Medical Center.