Pagbabakuna sa mga rehiyon, minamadali na ng DOH bilang paghahanda sa Omicron variant

Minamadali na ng Department of Health (DOH) ang pagbabakuna sa ibang rehiyon na may mabagal na usad ng COVID-19 vaccination bilang paghahanda sa posibleng surge bunsod ng Omicron variant.

Sa isang panayam, sinabi ni Health Usec. Maria Rosario Vergeire na inaasahan nila ang katulad na karanasan noong Delta variant kung saan sumipa ang kaso sa ibang rehiyon dalawa hanggang tatlong linggo matapos na makaranas ng surge ang National Capital Region (NCR).

Ayon kay Vergeire, nagsisimula nang tumaas ang kaso sa mga probinsya.


Giit ng opisyal, ang pagbabakuna pa rin ang pinakamahalagang depensa laban sa pandemya lalo na sa mas nakahahawang Omicron variant.

Facebook Comments