Pagbabakuna sa mga residenteng hindi nakatira sa kanilang lungsod, suportado ng mga LGU

Pumayag na ang mga Local Government Unit (LGU) sa National Capital Region (NCR) na magbigay bakuna sa mga residenteng hindi nakatira sa kanilang lungsod.

Ayon kay Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Benhur Abalos, kailangan lamang na magpa-iskedyul ng mga tatanggap ng bakuna para makakuha ng QR code mula sa NCR-LGU.

Sa pamamagitan ng programa, inaasahang magiging iisa na ang NCR sa pagbabakuna sa mga residente kontra COVID-19.


Pinaplano naman ni Abalos na mapalawig pa ang gawain hanggang sa mga kalapit na lalawigan tulad ng Bulacan, Rizal, Laguna at Cavite.

Facebook Comments