Pagbabakuna sa mga senior citizen gamit ang Sinovac vaccines, tuloy!

Plano ng pamahalaan na ituloy ang pagbabakuna sa mga senior citizen gamit ang Sinovac vaccines.

Ito ay sa kabila ng payo ng Food and Drug Administration (FDA) na iturok lamang ang Sinovac sa healthy individuals na edad 18 hanggang 59.

Ayon kay National Task Force Against COVID-19 Chief Implementer at Vaccine Czar Carlito Galvez Jr., nakita nila na kakaunti lamang ang side effect ng Sinovac at hindi ito gaanong nasayang.


Pero sa interview ng RMN Manila, nilinaw ni Galvez na kailangan pa itong aprubahan ng FDA at ng Department of Health (DOH).

Kung sakaling payagan, papipirmahin din muna ng waiver ang mga senior citizen na papayag magpaturok ng Sinovac.

“Yung iba, nag-ano ng waiver na gustong gusto na nilang magkaroon ng vaccine, so, pag-aaralan po ng FDA at DOH. Pero yung experience po namin, out of 15 countries na gumagamit ng Sinovac, 11 po ang [may] gumagamit na senior citizens,” saad ni Galvez.

Inaasahang masisimulan ang pagbabakuna sa mga senior citizen sa kalagitnaan ng Abril.

Nasa apat na milyong senior citizens na ang nasa masterlist ng gobyerno para sa inoculation ng bakuna na inaasahang tataas pa sa siyam na milyon.

Facebook Comments