Pagbabakuna sa mga senior citizens kontra COVID-19, dapat pag-ibayuhin pa

Iginiit ni Committee on Health Chairman Senator Christopher “Bong” Go sa national government at mga lokal na pamahalaan na pag-ibayuhin ang pagbabakuna sa mga senior citizens laban sa COVID-19.

Panawagan ito ni Go kasunod ng pahayag ng kinatawan ng World Health Organization (WHO) na 2.5 million na senior citizens citizen sa Pilipinas ang hindi pa nabibigyan ng COVID-19 vaccine.

Dahil dito ay kaniyang hinihiling sa mga kinauukulan na ilapit sa mga hindi pa bakunadong senior citizens ang COVID-19 vaccines at ipaunawa ng kahalagahan nito.


Mungkahi ni Go sa Local Government Units (LGUs), magbahay-bahay para masuyod at mabakunahan ang mga senior citizens na hindi nakakalabas o takot lumabas at bumyahe patungo sa mga vaccination centers.

Facebook Comments