Pagbabakuna sa mga Senior Citizens, Sinimulan na

41

Cauayan City, Isabela- Inumpisahan na kahapon, April 28,2021 ang pagbabakuna sa unang batch ng mga senior citizens mula sa Poblacion Region sa Lungsod ng Cauayan.

Sa ibinahaging impormasyon ng Cauayan City COVID-19 Task Force, tinatayang nasa 160 na mga senior citizens ang inasahang magpapabakuna sa first vaccination roll-out.

Para naman sa mga nakapagpre-register, hintayin lamang ang tawag ng City Health Office para sa schedule.


Ito’y para maiwasan ang pagdagsa ng mga tao na magpapabakuna sa itinalagang vaccination area sa SM City Cauayan.

Facebook Comments