Ipagpapatuloy na simula bukas, Lunes ang pagbabakuna sa mga residente ng Navotas City para sa first dose ng mga nasa A1 hanggang A5 priority group.
Inanunsyo ito ni Navotas City Mayor Toby Tiangco kasunod ng pagdating ng karagdagang 17,440 doses ng AstraZeneca vaccine mula sa Japanese government.
Pinapayagan na sa lungsod ang pagbibigay ng bakuna sa walk-in sites ngunit may limitasyon ito.
Bago ito, iniulat ni Mayor Tiangco na tumaas ng 100% ang bagong kaso ng COVID-19 sa lungsod sa loob lamang ng dalawang linggo.
Nagpaalala ang alkalde sa mga residente nito na huwag magpakampante at parating sumunod sa health and safety protocols.
Facebook Comments