Pinangunahan ng Ospital ng Parañaque I and II ang official rollout ng COVID-19 Vaccination Program sa tulong ng lokal na pamahalaan ng lungsod.
Unang sumabak sa pagpapaturok ng bakuna na gawa ng AstraZeneca si Parañaque City Health Officer Dr. Olga Virtusio na sinundan ng bawat health care worker o frontliner ng Ospital.
Ayon kay Ospital ng Parañaque Medical Director Dr. Jefferson Pagsisihan, umabot na sa 100 senior medical workers ang unang binakunahan ng AstraZeneca vaccines sa lungsod.
Malaki naman ang pasasalamat ni Parañaque City Mayor Edwin Olivarez sa gobyerno pati na rin kay Vaccine Czar Carlito Galvez Jr. dahil ang lungsod ang unang tumanggap ng AstraZeneca vaccines.
Ipinangako ni Olivarez na kanilang susundin ang patakaran na unang bakunahan ang health care workers, sangay ng pulisya, senior citizens at ang vulnerable sectors.
Target ng lokal na pamahalaan na unang mabakunahan ang nasa 3,800 health workers sa pampubliko o pribadong sektor sa lungsod.