Pagbabakuna sa Priority Group 4 at 5 kontra COVID-19, Aarangkada na

Cauayan City, Isabela- Iginiit ni DOH-02 Regional Director at Chairman ng Cagayan Valley Center for Health Development (CVCHD) COVID-19 Vaccination Operations Center Dr. Rio Magpantay na ang natukoy na high-risk areas sa rehiyon ay maaari ng magsimula sa vaccination roll-out para sa mga priority group A4 at A5 kung may suplay ng bakuna kontra COVID-19 habang magpapatuloy naman ang pagbabakuna sa priority A1 hanggang A3.

Una nang nakategorya ng ahensya ang lalawigan ng Isabela sa ilalim ng Alert Level 4 o High Epidemic Risk Classification noong August 15, 2021.

Sa ilalim ng alert level ay ang mga may mataas na bilang ng kaso o mayroong mataas na healthcare utilization rates na higit sa 70%, anuman ang pagkakaroon ng Delta variant at kung paano makakatugon ang gobyerno sa ganitong uri ng sitwasyon.


Batay sa datos ng Regional Epidemiology and Surveillance Unit (RESU) as of August 14, 2021, dalawang siyudad ay 24 bayan sa Isabela ang naklasipika bilang high-risk sa COVID-19 na kinabibilangan ng Cauayan City, City of Ilagan, Santo Tomas, Dinapigue, Gamu, Maconacon, Reina Mercedes, San Guillermo, Luna, Divilacan, San Agustin, Quezon, Tumauini, Quirino, Roxas, Cordon, Naguilian, Angadanan, Benito Soliven, Aurora, Cabagan, Alicia, San Pablo, Ramon, San Isidro at Delfin Albano.

Samantala, nagsimula na ang pagbabakuna sa priority group A4 sa probinsya kung saan kabilang dito ang mga unipormadong kasapi ng Isabela Police Provincial Office (IPPO) at Startroopers ng 5th ID, Philippine Army kung saan naghihintay ng ikalawang dose ng bakuna.

Para tuluyang makamit ang herd immunity, kailangang hikayatin ang mga mahal sa buhay lalo na ang mga matatanda para magpabakuna gayundin ang may mga medical conditions.

Ang kabilang sa group A4 ay mga essential workers, frontliners sa national government offices, at uniformed personnel, habang ang A5 cluster ay kinabibilangan ng mahihirap na sektor.

Facebook Comments