Pagbabakuna sa senior citizens, muling ipinagpatuloy ng lokal na pamahalaan ng Maynila

Umarangkada na ngayon araw ang pagbabakuna sa senior citizens sa lungsod ng Maynila gamit ang bakuna ng AstraZeneca.

Partikular na ikinasa ang nasabing vaccination program sa 18 sites mula District 1 hanggang District 6.

Sinimulan ang pagbabakuna ng kaninang alas-6:00 ng umaga na tatagal hanggang alas-8:00 ng gabi.


Nabatid na ang mga nasabing vaccination sites ay pawang mga pampublikong paaralan na may maluwag na espasyo para magkasya ang mga tutungong senior citizens para magpabakuna.

Habang ang mga nakakatanda naman na unang tatanggap ng bakuna ng AstraZeneca ay ginaganap sa Aurora Quezon Elementary School.

Muling paalala ng Manila Health Department at ng lokal na pamahalaan ng Maynila sa mga senior citizen na dalhin lamang ang kanilang mga QR Code para sa beripikasyon at kung may mga masamang nararamdaman ay maiging magpahinga muna at magpunta na lamang sa susunod na schedule.

Facebook Comments