Idinulog na ng Philippine Embassy sa Kuwait sa World Health Organization (WHO) ang pagbabakuna sa undocumented Filipino workers sa nasabing bansa.
Nakipagpulong mismo si Philippie Ambassador to Kuwait Mohd Noordin Pendosina Lomondot kay World Health Organization (WHO) Representative in Kuwait Dr. Assad Hafeez para maisama na rin sa pagbabakuna doon ang undocumented OFWs.
Tinalakay rin ni Ambassador Lomondot sa pulong ang usapin sa hindi pagkilala ng Kuwait sa vaccination certificates ng OFWs mula sa Pilipinas.
Marami kasing bansa sa Middle East na ang tanging brand ng COVID-19 vaccine na kinikilala ay ang Johnson and Johnson, Moderna, Prizer at AstraZeneca.
Facebook Comments