Muling kikiligin ang mga Pinoy fans sa pagbabalik sa bansa ng 90’s group na Boyzone.
Magkakaroon ng “Thank You & Goodnight Farewell Tour” ang Irish boyband na gaganapin sa Hunyo 23 sa Mall of Asia Arena.
Inaasahan naman na kakantahin ng Boyzone ang pinakahuling album nila bilang tribute sa pumanaw nilang miyembro na si Stephen Gately.
Ilang sa mga pinasikat na kanta ng Boyzone ang “No Matter What” , “Love Me for a Reason” at “Everyday I Love You”.
Facebook Comments