Magkakaroon ng impact sa nagpapatuloy na voters registration para sa May 2022 elections ang muling pagpapatupad ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa Metro Manila.
Bagamat nalagpasan na ng Commission on Elections (COMELEC) ang projection sa bilang ng mga nagparehistro, sinabi ni Spokesperson James Jimenez na mag-iiwan pa rin ito ng impact sa registration numbers.
Iginiit ni Jimenez na top priority pa rin ang safety at health ng mga botante.
Nasa apat na milyong bagong botante ang nagparehistro para sa nalalapit na halalan.
Ang voters registration sa NCR ay sususpindehin sa ECQ na ipapatupad simula August 6 hanggang 20.
Magtatapos sa September 30 ang voters registration.
Facebook Comments