Handa na ang ilang Utility Vehicles (UV) Express operators para sa pagbabalik sa kalsada sa Lunes, June 29, 2020.
Kahapon, nagsagawa ng dry-run ang mga ito para matiyak na maipatutupad ng maayos ang mga health protocols tulad ng social distancing, cashless payments at iba pa.
Sa dry-run, bago sumakay, kailangan munang umapak ng pasahero sa foot bath, mag-disinfect gamit ang alcohol, at mag-temperature check.
Mayroon ding plastic barrier na nagsisilbing proteksyon para sa drayber.
Mula sa dating 18 pasahero, magiging pito na lamang ito at may mga marka kung saan maaaring maupo ang sasakay.
Ipatutupad na rin ang cashless transaction kung saan maaaring mag-load ng bayad cards sa mga terminal.
Facebook Comments