Pagbabalik kapangyarihan ng Taliban sa Afghanistan, malabong i-ugnay sa terror threat advisory ng Japan sa bansa ayon sa isang expert!

Wala pang malinaw na batayan ang terror threats ng Japan sa bansa!

Ito ang inihayag ng batikang geopolitical analyst at founder ng Think Tank Philippine-BRICS Strategic Studies na si Herman Tiu Laurel kaugnay sa inilabas na terror advisory ng Japan sa kanilang mga mamamayan na nasa Pilipinas.

Sa interview ng RMN Manila, sinabi ni Laurel na katulad dito sa Pilipinas, maging ang mga defense at security official ng Singapore ay walang nakikitang indikasyon ng terror threats sa Asya.


Sinabi ni Laurel na hindi rin niya masiguro kung may kinalaman ang babala ng Japan sa muling pagbabalik ng kapangyarihan ng taliban sa Afghanistan na dating kanlungan ng mga terorista.

Para sa batikang geopolitical analyst, posibleng diversionary tactics lang din ito ng Amerika.

Sa kabila nito, sinabi ni Laurel na mas maganda pa ring huwag nating ipagwalang bahala ang babala ng Japan, may batayan man o wala.

Facebook Comments