Pagbabalik-laro ng NBA sa Hulyo, tinutulan ng ilang coaches

Hindi sang-ayon ang ilang coaches ng National Basketball Association (NBA) sa pagbabalik-laro ng NBA sa July 30.

Kabilang sa kanila sina San Antonio Spurs Coach Gregg Popovich, Houston Rockets Coach Mike D’Antoni at si New Orleans Pelicans Coach Alvin Gentry.

Ayon sa tatlo, hindi dapat makampante ang asosasyon ng NBA dahil malaki pa rin ang posibilidad ng pagkahawa sa COVID-19.


Mas mahalaga pa rin kasi anila ang kalusugan ng mga manlalaro at staff nito kaya hindi ito dapat balewalain.

Gaganapin ang pagbabalik-laro ng NBA sa Walt Disney World Resort sa Orlando, Florida kung saan aabot sa 30 koponan ang maglalaban-laban.

Facebook Comments