Naghahanda na ang Philippine Basketball Association (PBA) sa posibleng pagbabalik nito sa laro sa gitna ng COVID-19 pandemic.
Ayon kay PBA Commissioner Willie Marcial, inaasahang sa buwan na ng Setyembre nila unti-unting sisimulan ang laro.
Ipinag-utos din niya na dapat i-disinfect ang mga practice venue at mga equipment na gagamitin ng mga manlalaro at isasailalim din ang lahat ng PBA staff sa COVID-19 testing.
Matatandaang nitong Marso 11, 2020 nang ipahinto ng PBA ang mga laro tatlong araw matapos ang pagbubukas ng 45th Season dahil sa COVID-19.
Facebook Comments