Pagbabalik ng batuta at silbato ng mga pulis, kinokonsidera ng PNP

Pag-aaralan ng liderato ng Philippine National Police (PNP) ang mungkahi ni Sen. Ronald ‘Bato’ dela Rosa na ibalik ang paggamit ng silbato at batuta ng mga pulis.

Ayon kay PNP Chief Police General Benjamin Acorda Jr., napag-usapan nila ni Dela Rosa ang mga nakalipas na insidente kung saan namamaril agad ang mga pulis.

Isa aniya sa mga maaring dahilan nito ay ang kawalan ng ibang paraan ng mga pulis na magbigay ng “warning” sa mga suspek.


Paliwanag ni Acorda, kung bahagi ng uniporme ng pulis ang batuta at silbato, mayroon silang paraan para mag-establish ang police presence na hindi kailangang bumunot agad ng baril.

Bunsod nito, pag-uusapan nila ng Command Group at Directorate for Research and Development ang naturang suhestyon ni Sen. Bato na dati ring pinuno ng Pambansang Pulisya.

Facebook Comments