Sa pagbabalik ng mga nakagawian ng mga Pinoy sa tuwing sasapit ang kapaskuhan ay mas nagiging masaya umano ang isang indibidwal dahil sa mga nararamdaman at mga nakikita nitong mga makukulay na disenyo.
Isa na rito ang pagbabalik ng Christmas party celebrations kung saan ayon sa pagtatanong tanong ng IFM Dagupan sa mga nakapag celebrate na ng kanilang party celebrations ay lubha umano silang masaya dahil sa mga kasiyahang lumalabas dahil din sa mga palaro, sa kanilang mga natatanggap na regalo at marami pang iba.
Ayon naman sa ilang Pangasinense, nawawala umano ang kanilang kalungkutan sa pamamagitan ng pagsali sa iba’t ibang aktibidad gaya ng exchange gift o mga palarong inihahanda.
Anila, nagpapasalamat umano sila sa Diyos dahil kahit nagdaan ang dalawang taong na pandemya na nagpatigil sa maraming aktibidad ng pagtitipon ay unti-unti nang bumabalik ang mga nakagawian ng mga Pinoy na gawin tuwing kapaskuhan. |ifmnews
Facebook Comments