Pagbabalik ng Cordillera sa GCQ sa Pebrero, pinaghahandaan na ng PNP

Muling maghihigpit ang mga pulis sa mga indibidwal na papasok sa rehiyon ng Cordillera.

Ayon kay Police BGen. Rwin Pagkalinawan, Regional Director ng PNP Cordillera, nakahanda na ang kanilang hanay sa pagbabalik ng Cordillera sa General Community Quarantine (GCQ) sa February 1.

Aniya, inutos niya na ang paghihigpit sa pagbabantay sa mga border at paglalatag ng mas maraming checkpoint na magsasagawa ng random inspection.


Bukod dito ay mas magiging aktibo rin aniya ang mga pulis sa pagpapatrolya upang ipatupad ang health protocol.

Isasailalim sa GCQ ang Cordillera para maiwasan ang pagkalat ng bagong variant ng COVID-19 na B117.

Ito ay dahil 12 kaso na ng UK variant ang naitala sa Bontoc Province na sinasabing mas delikado at nakakahawa.

Facebook Comments