Napapanahon ng muling buhayin ang usapin sa death penalty sa bansa kasunod ng pagbaba ng hatol sa Maguindanao Massacre.
Ayon kay Sen. Imee Marcos, dapat nang ikonsidera ang death penalty para sa malalagim at malalang krimen gaya ng nasabing massacre.
Matatandaang una nng tinutulan ni Marcos ang parusang kamatayan noong siya ay kongresista pa.
Pero bukas na aniya siyang suportahan ito ngayon dahil kailangan ng itugon ang batas sa tindi ng mga nagaganap na krimen sa bansa.
Pero paliwanag ni Marcos, sakaling maibalik ang death penalty, dapat ay ipataw lang ito sa mga makakagawa ng massacre, large scale drug trafficking at plunder.
Habang hindi naman papatawan ng parusang kamatayan ang mga kabataan.
Facebook Comments