Nais ni Pangulong Bongbong Marcos Jr., na ibalik ang direct flight sa pagitan ng Pilipinas at News Zealand.
Sa courtesy call sa Malacañang ni bagong NZ ambassador Catherine Rosemary Mcintosh, sinabi ng pangulo na ang pagbabalik ng air links ng dalawang bansa ay magpapalakas ng turismo at kalakalan.
Dahil dito, tiyak aniyang maraming Pilipino ang nais na magtungo ng New Zealand at naniniwala rin ito na interesado rin ang mga taga-New Zealand na bumisita sa bansa.
Samantala umaasa naman ang pangulo na tatalakayin ng air regulators ng dalawang bansa ang pagbabalik ng air links na makatutulong umano sa economic transformation sa harap na rin ng planong pagtatayo ng bagong airports at pagsusulong ng accessibility sa maliliit na palirapan sa mga rehiyon.